-- Advertisements --

Pumayag na si dating NBA MVP Joel Embiid na pumirma ng contract extension na tatagal ng tatlong taon.

Batay sa report ng NBA, nakatakdang pumirma ang bigman ng Philadelphia 76ers ng $193 million maximum contract extension.

Nakapaloob sa naturang kontrata ang player option para sa 2028-2029 season.

Samantala, sa hiwalay na pahayag ay sinabi ng Sixers star na gusto niyang manatili sa Phila sa kabuuan ng kanyang karera.

Ayon kay Embiid, marami pa ang dapat niyang gawin sa koponan. Nararapat lamang aniya na makakuha ang mga ito ng championship at nagsisimula pa lamang ang koponan para rito.

Sa nakalipas na offseason, nagawa ng Philadelphia na kunin si Paul George at pumirma ng $212 million contract.

Una na ring pumirma ng extension si Tyrese Maxey na nagkakahalaga ng $204 million.

Sa pagbubukas ng season, magkakasama na ang big-3 ng koponan na sina Embiid, CP3, at Maxey, isa sa mga nakikita ng mga NBA analysts na magiging malaking banta sa Eastern Conference.