-- Advertisements --
image 387

Pinahiya ng koponang Philadelphia 76ers ang kontra katunggali nitong Denver Nuggets sa kabuuang score na 126-119 sa nagpapatuloy na NBA game.

Nakapagtala ng 47 big points, 18 rebounds ang star player ng 76ers na si Joel Embiid upang tuluyang masungkit ang kanilang pagkapanalo.

Nasayang naman ang diskarte ni Nikola Jokic na 24 points, eight rebounds at nine assist dahil nabigo pa rin ang kanilang koponan.

Kaugnay niyan, ito na ang ika-32 panalo ng koponang 76ers at ika-16 naman na pagkatalo para sa Denver Nuggets.

Samantala, inilampaso rin ng Brooklyn Nets ang kontra kalaban nitong New York Knicks sa kabuuang score na nagtapos sa 122-115.

Nagpakitang gilas si Kyrie Irving nang makapagbuhos ito ng 32 points, six rebounds at nine assist upang tambakan ang Knicks na kung saan ito na ang kanilang ika-30 pagkapanalo sa nagaganap na NBA game.