-- Advertisements --
Peter Bikoy Advincula
Peter Advincula alyas Bikoy/ CIDG photo

Sumuko dakong alas-7:00 nitong gabi ng Lunes sa PNP-CIDG-NCR sa Camp Crame si Peter Joemel Advincula alias Bikoy.

Ayon Kay PNP spokesman Brig. Gen Bernard Banac, isinilbi ng CIDG ang warrant of arrest kay Advincula para sa kasong paglabag sa Section 4(c)(4) ng RA 10175 o libel under cybercrime offenses.

Ang warrant ay unang inisyu ni Judge Annielyn Medes-Cabelis, acting presiding judge ng RTC 5th Judicial Region Branch 5 sa Legazpi City noong July 11, 2019.

Ang kaso ay dahil sa reklamo ng may-ari ng Misibis Bay Resort na tinukoy ni Bikoy sa “Ang totoong Narco list” video na umano’y lokasyon ng isang malaking drug laboratory sa Bicol.

Agad namang isinailalim sa booking procedure si Bikoy.

Habang nasa kustodiya ng CIDG si Advincula ay maaaring iharap ito sa korte na nag-isyu ng warrant of arrest.

Kung maaalala una na ring sumuko noon si Advincula sa CIDG sa kanyang pagbaligtad ng testimonya at tinukoy ang oposisyon na may tangkang destabilisasyon sa administrasyon.

Peter Advincula
Peter Advincula/ CIDG image

Ang panibagong mga alegasyon ni Bikoy ang pinagbasehan ng PNP na kasuhan ng sedition si Vice President Leni Robredo, Sens. Risa Hontiveros, Leila de Lima, dating Sen. Antonio Trillanes, ilang pari at iba pa.

Ang naturang hakbang ng PNP-CIDG ay mariin namang pinabulaanan at tinuligsa nang mga inaakusahan dahil sa umano’y pagpapaniwala sa isang alyas Bikoy na paiba-iba ang mga alegasyon.