-- Advertisements --
Nagwagi bilang best actor sa 78th Venice International Film Fesitval si John Arcilla.
Ito ay bilang pagganap niya sa pelikulang “On The Job: The Missing 8.”
Isa kasing journalist ang role ng actor sa pelikula na gawa ni Eric Matti.
Ang nasabing pelikula ay siyang tanging pelikula mula sa Southeast Asia na napili mula sa 21 A-List movies sa buong mundo.
Tinanggap ni Matti kasama ang isa pang bida na si Dennis Trillo ang award para kay Arcilla.
Isang araw bago ang parangal ay nag-post pa ang actor ng kaniyang Coppa Volpi trophy na nakuha rin nito bilang Best Actor noong 2007.
Kasama rin sa pelikula sina Christopher De Leon, Pio Pascual, Gerald Anderson, Dante Rivero at Lotlot de Leon.