-- Advertisements --

Inanunsiyo na ni US actor at wrestler na si John Cena ang kaniyang pagreretiro sa World Wrestling Entertainment.

Isinagawa nito ang anunsiyo sa harap ng mga fans ng dumalo ito sa WWE Money in the Bank event sa Canada.

Sinabi ng 47-anyos na magkakaroon pa ito ng final in-ring competition sa 2025 bilang bahagi ng kaniyang farewell tour.

Itinuturing na isa sa mga pinakamagaling na professional wrestlers kung saan nagkamit ito ng 16 beses na world champion mula ng sumali ito sa WWE noong 2001.

Taong 2006 ng magsimula ito ng pumasok sa pag-aartisa kung saan ang unang pelikula nito ay ang “The Marine” at nakasama rin ito sa mga pelikulang “The Suicide Squad”, “Fast and Furious 9” at “Teenage Mutant Ninja Turtles”.

Hawak din ito ang Guinness World Record na may pinakamaraming natupad na mga hiling mula sa Make-A-Wish children na mayroong mga kritikal na karamdaman.