-- Advertisements --

CEBU –Patuloy na nangingibabaw ang mga pambato ng Pilipinas sa mga male international pageant.

Noong Sabado, Nobyembre 26, 2022, nasungkit ni John Ernest Tanting ng Cebu ang korona sa inaugural edition ng Miss and Mister Beauté International Pageant, na ginanap sa Akbun Hotel sa Istanbul, Turkiye.

Si John Ernest ang hinirang na candidate para sa unang Miss at Mister Beauté International dahil napabilang ito sa Top 10 finalists sa coronation night ng unang Mister International Philippines, na ginanap sa Okada Manila noong Hunyo 27, 2022.

Hindi nagkamali ang Mister International Philippines Organization sa desisyon na ipadala si John Ernest sa Turkey dahil naging matagumpay ito sa male division ng Miss at Mister Beauté International at nakatanggap din ng special award para sa Best Costume.

Si John Ernest ang pang-apat na Pinoy na nagtagumpay sa international pageant, mula nang manalo si Jovy Bequillo sa first Man Hot Star International na ginanap sa Bangkok, Thailand noong Biyernes, Nobyembre 25.