“Shock” pa rin umano hanggang ngayon ang international singer na si John legend at ang kanyang misis na si Chrissy Teigen dahil sa pagkamatay ng kanilang ikatlong baby sa sinapupunan.
Ayon kay Chrissy, labis ang kanilang pighati matapos malaman ang balita na hindi na nakayanan ng kanyang dinadala sa sinapupunan ang komplikasyon.
Bago ito kamakailan lamang ay naospital ang misis ni Legend bunsod ng severe bleeding sa kanyang pagbubuntis.
Hindi na raw kinaya ng bata sa loob ng tiyan ang sitwasyon kahit napakaraming blood transfusions na ang ginawa ng mga doktor.
Ang dinadala ni Teigen ay pinangalanan nilang Jack.
Sa kabila nito, todo naman ang pasalamat nila sa mga tumulong at nakidalamhati sa kanilang pighati.
“We are so grateful for the life we have, for our wonderful babies Luna and Miles, for all the amazing things we’ve been able to experience. But everyday can’t be full of sunshine. On this darkest of days, we will grieve, we will cry our eyes out. But we will hug and love each other harder and get through it,” ani Teigen sa kanyang IG post.
Ang 34-anyos na si Teigen ay isang American model, television personality, author at entrepreneur.
Ang superstar naman na si Legend ay isa ring songwriter, record producer, actor at kabilang sa kanyang maraming pinasikat na awitin ay ang “All of Me.”