-- Advertisements --
Dumepensa ang American-singer na si John Legend sa pagsasagawa nito ng concert sa Rwanda.
Umani kasi ito ng batikos dahil sa ang Rwanda ay siyang sangkot sa pakikipaglaban sa katabing bansa na Democratic Republic of Congo.
Sinabi nito na hindi tama na parusahan ang mga tao sa Rwanda dahil ang mga sangkot lamang sa pananakop sa Congo ay yung mga militanteng grupo.
Magugunitang sinusuportahan ng Rwanda ang M23 rebels na siyang sumakop sa malaking lungsod ng Congo.