-- Advertisements --

Naging aktibo na sa social media ang actor na si John Lloyd Cruz.

Ito ay ilang araw matapos ang anunsiyong pagbabalik niya sa showbiz.

Hindi naman malinaw kung personal niya itong hahawakan o ang Crown Artist Talent Management, ang talent agency na may hawak kay Cruz.

Magugunitang ilang taon na namahinga ang actor sa showbiz matapos ang relasyon niya sa dating nobya na si Ellen Adarna.