-- Advertisements --
Nagwagi bilang best actor si John Lloyd Cruz sa Switzerland.
Nakuha ng actor ang Boccalino d’Oro prize o kilala bilang Golden Jug award para sa best actor bilang best actor sa 76th Locarno Film Festival para sa pagganap nito sa pelikulang “Essential Truth of Lake”.
Sinabi ni Film Development Council of the Philippines Chairman at CEO Tirso Cruz III na ang nasabing award ay nagpapatunay sa pagiging mataas na kalidad ng actor sa pag-acting.
Siya ang pangalawa na nagtamo ng nasabing award na ang una ay si Hazel Orencio na nagwagi ng Best Actress award noong 2014 sa nasabing film festival.
Ang pelikula na ito ni Cruz ay siyang pagbabalik ni Lav Diaz mula ng magwagi ito sa Golden Leopard Prize.