Naglalabasan ngayon sa social media ang larawan ni John Lloyd Cruz kung saan binisita nito ang isang checkpoint sa kahit pa man sa pinapairal na enhanced community quarantine sa Brgy. Guadalupe, Cebu City upang makausap ang mga opisyal ng barangay.
Makikita sa larawan na nakasuot ito ng black shorts, plain white t-shirt at nakatsinelas lang.
Ayon pa kay Guadalupe Brgy. Captain Michael Gacasan na nagtatanong ang aktor kung ano ang pwede niyang maitulong at ng Unilab, isang pharmaceutical company sa nasabing barangay.
Isa si Cruz sa mga endorser ng nasabing kompanya.
Sinabi pa ni Cagasan na sa oras na matanggap na nito ang mga gamot at bitamina, ipamimigay ito sa mga bata sa barangay.
Kinumpirma rin nito na nakatira sa ngayon ang aktor sa kanilang barangay.