Sa pambihirang pagkakataon, mismong si John Lloyd Cruz na ang nagpahayag na ang anak nga nila ng nakahiwalayang si Ellen Adarna ang kanyang inspirasyon sa pagbabalik muli sa mundo ng show business.
Ayon sa 37-year-old actor, ang two year old son na si Elias ang nagsilbing dahilan nito para sa pagkakaroon ng bagong buhay kaya kanya rin itong susuportahan sa anomang maging gusto habang lumalaki.
“Para kang nagkaroon ng bagong buhay. His dreams will be much bigger than mine… Kung ano ang gusto niya — maging tambay o astronaut, basta nandiyan lang ako to support him,” saad nito sa one-on-one interview ni Rachel Arenas na siyang Movie and TV Review and Classification Board (MTRCB) chair para sa nilulutong show sa YouTube.
Noong nakaraang taon nang aminin ni Lloydie na naubos ang kanyang sarili bunsod ng “demand” ng trabaho kaya piniling umawat muna sa mundo ng showbiz.
“And bilang creator gusto mong makapagbigay lagi ng something worth their time. And kung ubos ka, medyo mahihirapan kang ma-deliver iyon kasi wala nang bagong laman iyong utak mo… Wala ka nang maibibigay na tingin ko is worth their time kung sino man yung sumusunod sa’yo. Kumbaga nakakahiya na lang din,” saad nito kay Boy Abunda.
Nabatid na nananatiling mabuting magulang sina Lloydie at Ellen, bagama’t kasalakuyang nali-link ang 32-year-old sexy actress sa kontrobersyal na si Derek Ramsay.