-- Advertisements --
Inilipat na sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City ang actor na si John Regala.
Kinumpirma ito nina Chuckie Dreyfus at Liza Diño sa kanilang mga social media.
Sinabi nila na kailangang dumaan sa ilang uri ng gamutan lalo na nakikipaglaban ang actor sa liver cirrhosis.
Dagdag pa ni Dreyfus na nakakaranas pa rin ng pananakit dahil sa complikasyon at kailangan ng matinding gamutan.
Kasama ng dalawa ang ilang mga kapwa artista na sina Nadia Montenegro at Aster Amoyo na humingi tulong para paggamot kay Regala.