-- Advertisements --
Naging emosyonal si John Regala ng makausap niya ang anak mula sa Arizona, USA.
Isinagawa ng dating action star ang pakikipag-usap sa anak na si John Paul Kieffer habang ito ay naka-confine sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI).
Nag-iisang anak lamang ni John si John Paul mula sa unang asawa na si Elizabeth Manansala-Hunt.
Isinagawa ang pag-uusap ni John sa anak sa tulong ng kapwa artista na si Aster Amoyo.
Hindi naman maipaliwanag ang saya ni John ng makausap nito ang anak.
Maguguintang itinakbo sa pagamutan si John matapos na masuri itong may problema sa kaniyang kidney sa tulong na rin ng kapwa artista.