Sinuspendi ng isang taon ng Japan Boxing Commission (JBC) si Pinoy boxer John Riel Casimero.
Ipinataw ang nasabing parusa sa dating three-division champion matapos na bigong makamit nito ang tamang timbang sa laban niya kay Saul Sanchez.
Sa nasabing laban ay mayroon lamang na limit na 122-pound para sa super bantamweight subalit lagpas ng isang kilo ang timbang ni Casimero.
Bilang proseso ay binigyan ito ng dalawang oras para mawala ang nasabing labis na timbang subalit walang nabago.
Sinabi ni Tsuyoshi Yasukochi ang JBC official na base sa kanilang ruling ay pagbabawalang makalaban si Casimero sa Japan ng isang taon.
Magugunitang sa nasabing laban ay pinabagsak ng Pinoy boxer si Sanchez sa loob lamang ng isang round.
Mayroon record si Casimero na 34 panalo, apat na talo at isang draw na mayroong 23 knockouts.