-- Advertisements --

Tuluyan ng nakakuha ng clearance sa World Boxing Organization (WBO) si Filipino boxer John Riel Casimero para mapanatili nito ang kaniyang bantamweight champion title.

Sa resolution na inilabas ng WBO, idineklara nito na nakapag-comply na si Casimero sa mga kutusan na kanilang inilatag gaya ng pagpakita ng mga medical documents matapos ang pag-atras nito sa laban niya kay Paul Butler noong Disyembre 11 sa Dubai.

Itinakbo kasi sa American Hospital sa Dubai si Casimero dahil sa viral gastritis isang araw bago ang weigh-ins nito.

Dagdag naman ni WBO Championship Committee Chairman Luis Batista Salas, na wala namang anumang kontrobersiya sa pag-atras ni Casimero dahil naisumite naman nito ang lahat ng kanilang hinihinging dokumento.