-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Nagpasalamat sa malaking suporta ang Dagupeño na si John Enrico Joko Vasquez, bronze medalist sa individual karate, sa nagpapatuloy na 30th Southeast Asian (SEA) Games sa World Trade Center sa Pasay City.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Vasquez, sinabi nito na hindi pa rin natatapos ang kanyang laban dahil nakapokus pa siya sa laban niya sa Lunes.

Pagkatapos nito ay tiniyak ni Vasquez na patuloy pa rin ang kanyang ensayo dahil may mga susunod pa siyang laban sa susunod na taon.

Dagdag pa ng atleta na hindi naman niya pinapabayaan ang kanyang pag-aaral dahil napagsasabay niya naman ito sa kanyang training.

Samantala, saya at kaba ang naramdaman ni Dr. Alejandro Enrico Vasquez, ama ni Vasquez at kanyang headcoach sa Philippine Karate.

Ayon kay Vasquez, ang payo lang niya sa anak ay huwag ma-pressure, magdasal at magpokus lang sa kanyang laban.

Iba aniya ang pakiramdam ng pagiging ama at head coach ng isang atleta.

Samantala, pagkatapos sa SEA games, target ng nakababatang Vaquez na makapaglaro sa Olympics.