Mistulang hindi nawala sa liga si John Wall dahil sa tikas sa pagdadala pa rin ng bola at tinulungang itumba ng Houston Rockets ang Sacramento Kings, 122-119.
Inabot din kasi ng dalawang taon bago nakabalik si Wall hanggang sa na-trade siya sa Rockets kapalit ni Russell Westbrook patungong Wizards.
Agad itong dumiskarte ng 22 big points, 6 rebounds, 9 assists sa kanyang over-all performance.
Aminado si Wall na maganda ang kanyang pakiramdam sa muling pagbabalik.
Kung maalala hindi rin muna siya nakalaro dahil sa COVID protocols issue sa pagsisimula ng season.
“When I get between those four lines and once the ball touches my hands after the jump ball I was fine,” ani Wall. “I was happy to be able to compete with some of the best guys in this league.”
Maging ang Rockets superstar na si James Harded nagpasok ng 33 points ay humanga sa bago niyang partner.
Aniya, nakakabilib daw ang pagiging agresibo ni Wall.
“He looked really, really good especially for not playing in two years,” wika pa ni Harden.
Ito na ang unang panalo ng Rockets na meron ng dalawang talo, habang ang Kings ay may hawak na 3-2.