Pinanigan ng bahagya ng korte ang actor na si Johnny Depp sa divorce na inihain sa dating asawa na si Amber Heard.
Kasunod ito sa naging pangako ng actress na kaniyang ibibigay bilang donasyon ang $7 milyon na divorce settlement.
Sa pahayag kasi ng actress noong 2016 ng ihain ang divorce ay nangako ito na kaniyang ido-donate ang nasabing halaga sa American Civil Liberties Union (ACLU) at Children’s Hospital sa Los Angeles.
Ayon sa New York Supreme Court na pinagbigyan nila ang motion na inihain ng abogado ni Depp na maglabas ng record ang ACLU kung tinotoo ni Heard ang kaniyang pangako.
Magugunitang noong Enero ay inamin ng abogado ni Heard na si Elaine Bredehoft na hindi pa nakumpleto ng kaniyang kliyente ang pagdodonasyon dahil sa nahaharap ito sa problemang pinansyal.