-- Advertisements --

Tuluyan nang tinanggalan ng korona ng World Boxing Organization (WBO) ang Pinoy boxing champion na si Johnriel Casimero ng kanyang WBO world bantamweight belt.

Ang hakbang ng WBO ay makaraang mabigo si Casimero na madepensahan ang kanyang titulo laban kay Paul Butler ng United Kingdom noong Abril 22 sa Liverpool, England.

Ayon sa WBO World Championship Committee nabigo rin daw ang 33-anyos na si Casimero, na matupad ang kanilang resolution kasunod ng kanyang withdrawal din sa laban sana kay Butler sa una pa man noong December 2021 kung saan hindi siya nakapagtimbang kaya ipinagpaliban din ang laban.