-- Advertisements --

Nagsasagawa na ng malalimang imbestigayon ang mga otoridad sa posibleng koneksyon pa ng naarestong suspek na nanaksak na ikinamatay ng katao sa Reading, England.

Ang suspek na si Khairi Saadallah na isang Libyan, ay inaresto matapos an saksakin ang grupo ng mga tao na ikinasawi ng tatlong katao at ikinasugat ng 11 iba pa.

Ayon sa UK Counter Terrorism Policing unit na isang uri ng terror attack ang nasabing insidente na naganap sa Forbury Gardens.

Tiniyak naman ni UK Prime Minister Boris Johnson, na mabibigyan ng hustisya ang mga nasawing biktima.

Kaniya ring pinapaimbestigang mabuti ang maaaring koneksyon ng suspek sa mga terrorist group.

Nilinaw nito na wala pang panganib na para itaas pa ang terror alert ng bansa.