-- Advertisements --

Mariing pinabulaanan ni British Prime Mninster Boris Johnson na siya ay binalaan na labag sa COVID-19 rule ang ginawa nilang pagdiriwang sa No 10 garden.

Sinabi nito na walang pumigil man lang sa kaniya na ito ay ipinagbabawal sa panuntunan na ipinapatupad na lockdown.

Kinontra ito ng dating aide niya na si Dominic Cummings kung saan personal niyang binalaan si Johnson.

Inakusahan pa niya ngayon ang Prime Minister na nililigaw lamang niya ang mga members of parliament.

Magugunitang marami ang nanawagan sa pagbitiw sa puwesto ni Johnson dahil sa paglabag sa ipinapatupad na paghihigpit sa COVID-19 protocols.