-- Advertisements --
Kinansela ni United Kingdom Prime Minister Boris Johnson ang kaniyang biyahe sa bansang India.
Ayon kay Johnson na nais niyang ituon ang panahon sa patuloy na pagdami ng kaso ng bagong variant ng COVID-19.
Agad niyang tinawagan si Indian Prime Minister Narendra Modi at ipinarating ang nasabing malungkot na balita.
Nakatakda sanang bumisita si Johnson sa India sa kalagitnaan ng Enero.
Umaasa na lamang ito na mabisita ang India sa buwan ng Hunyo.
Sa kaniyang pagbisita ay nais pag-usapan ng dalawa ang pagpapalakas ng trade relations ng dalawang bansa.