Naglatag ng mga plano si United Kingdom Prime Minister Boris Johnson para tuluyan ng mawala ang lockdown na ipinapatupad sa England.
Mula pa kasi noong Enero 4 ay nasa national lockdown ang England dahil sa nadiskubreng bagong variant ng virus.
Isa rito ay ang pagbubukas na ng mga paaralan sa Marso 8 kasama na ang pagbabalik ng mga limited outdoor social interaction gaya ng pag-upo sa mga park.
Ang pangalawang paraan aniya ay sa Abril 2 kapag magbabalik na ang non-essential retails gaya ng hairdressers, gyms, museums, zoos at theme parks.
Pangatlong plano dito ay sa darating na Mayo 17 ay maaari ng tanggalin ang social distancing rules kung saan papayagan ang grupo ng 30 katao na magtipon-tipon.
Habang sa ikaapat na plano ay ang posible sa Hunyo ang pagtanggal sa mga social restrictions at pagbabalik ng mga nightclubs, walang limitasyon ang mga kasal at papayagan ang mga malakihang events.
Mahigpit pa rin na titignan ng gobyerno ang negative results na COVID-19 certification at ang certification na sila ay nabakunahan na.
Isinagawa ni Johnson ang nasabing anunsiyo sa matapos na simulan na nila ang vaccination rollout sa UK.