-- Advertisements --

Nagpatupad ng balasahan sa kaniyang gabinete si British Prime Minister Boris Johnson.

Ito ay matapos ang pagbibitiw sa puwesto ng mga cabinet officials ni Johnson.

Ilan sa mga dito ay sina Jacob Rees-Mogg na magiging minister for Brexit opportunities, Chris Heaton-Harris na magiging chief whip na siyang magdidisiplina sa members of parliament.

Magiging leader of the Commons si Mark Spencer.

Magugunitang nagbitiw sa kanilang puwesto ang mga gabinete dahil sa pressure ng magsagawa ng party si Johnson noong kasagsagan ng COVID-19 lockdown.