-- Advertisements --
Tiniyak ni British Prime Minister Boris Johnson na kanilang reresolbahin ang pagsasara ng ilang bansa dahil umano sa pagkalat ng bagong strain ng coronavirus.
Sinabi nito na naigng maliit lamang ang apektadong freight matapos ang mahigpit na bilin sa mga mamamayan na manatili na lamang sa kanilang bahay.
Mahigit na 40 na mga bansa ang nagsara ng kanilang borders sa UK dahil sa takot bunsod ng banta ng bagong uri ng coronavirus.
Pinakahuling nagsara ng kanilang border ay ang India, Hong Kong at Pakistan.
Nagpaplano ang opisina nito ng bagong restrictions para sa nasabing pagpigil ng pagkalat ng virus.