-- Advertisements --
Nagbabala si British Prime Minister Boris Johnson na magiging madugo kapag inatake ng Russia ang Ukraine.
Dagdag pa nito na hindi malabong mangyari ang pag-atake ng Russia sa Ukraine dahil sa kasalukuyang tension.
Naghahanda rin ang United Kingdom ng economic sanctions na ipapataw sa Russia.
Habang patuloy din ang ginagawang pag-suplay nila ng mga defensive weapons sa Ukraine.
Tiniyak din ni Johnson na naka-standby na ang mga puwersa ng NATO sakaling lumala ang sitwasyon.