-- Advertisements --
Magkakaroon na lamang ng joint cluster meeting sa pagitan ng Defense at finance department ngayon araw para pag-usapan ang nangyaring pagbangga ng Chinese vessel at bangkang pangisda ng mga Filipino.
Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na iikot ang nasabing pulong sa pag-abandona sa 22 mangingisdang Filipino matapos na sila ay banggain ng Chinese vessels sa Recto Reef.
Nauna rito inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng special Cabinet meeting tungkol sa pangyayari subalit kinansela ito ni Executive Secretary Salvador Medialdea dahil sa hindi pa matiyak na kadahilanan.