Naganap nitong May 5, 2024 sa Chater Road, Hong Kong ang Joint Community Service ng Bagong Bayani Hongkong Executive Lady Eagles Club na pinamunoan ni Lady Eagles Club President Marites Cruz at Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club na pinamunoan ni Club Pres Abbel Macabecha ng The Fraternal Order of Eagles – Philippine Eagles Incorporated. Ang nakinabang sa Community Service na ito ay mga kababayan nating mga OFW na dumaranas ng malaking problema o kaso dahil sa ibat ibang dahilan gaya ng Break Contract of Work, Domectic Violence, ImProper Salary of Employer and treatment and Unaviodable Sickness that causes distress.
Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga sila Mission For Migrants Workes na naka base sa St. John Angelic Cathedral sa Garden Road Hong Kong. Sila ung mga grupo na tumutulong sa ating mga kababayan na walang hinihiling na kapalit sa lahat ng tulong at malasakit na kanilang binibigay.
Gusto namang pasalamatan ng Presidente ng Baging Bayani Lady Eagles Club na si Marites Cruz ang mga nasa likod sa paglilingkod sa kapwa tao sa gawaing ito ang mga membro ng TTP Production lalo sa sa mga make up artist at photographers ng siyang naging susi upang maisagawa ang Shoot For A Cause upang makalikom ng pera para maipamili ng mga sari saring gamit gaya ng Bigas, Gamit pang Kusina at Pagkain ( Can Goods ), Mga personal na pangangailangan sa katawan na gaya ng sabon, tootpaste, shampoo ( Food and Drinks ) at mga gamit pang palikoran ( Personal Necessity) ng ating mga Kababayan.
Ang gawaing ito na pagtulong sa sangkatuhan sa pamamagitan ng pinalakas na kapatiran ay siyang misyon ng mga membro ng The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles sa Pilipinas at nangunguna sa pagtulong sa Kapwa Tao pati na rin sa mga ibat ibang Bansa na gaya ng Hong Kong. Muli naman nilang pinadiinan na ang ganitong pagtulong ay ina alay sa Dios na dapat pasalamatan sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa kapwa.