Binigyang diin ni AFP chief General Romeo Brawner Jr. na tututok sa pagtatanggol sa teritoryong bansa ang isinasagawang Joint exercise ng AFP ngayong taon.
Kabilang sa mga kalahok sa naturang pagsasanay ay mga kinatawan mula sa Philipine Navy, Philippine Airforce, Philippine Army at Special Operations forces o AFP Joint Exercise.
Ayon kay Gen. Brawner , layon ng excercise na ito na maging dalubhasa ang mga sundalo pagdating sa pagdepensa sa teritoryo ng ating bansa.
Dagdag pa ng Heneral na maraming aktibidad na saklaw ang naturang pagsasanay na kinabibibilangan ng command post exercise, field training exercise, cyber warfare exercise at information warfare exercise.
Idaraos naman ang Island seizure exercises sa western portion ng lalawigan ng Palawan.
Magtatagal ang pagsasanay hanggang sa Nobyembre 15 ng taong ito.