Kinuwestiyon ni dating Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario nitong araw ang planong joint investigation ng Pilipinas at China hinggil sa pagkakabangga ng Chinese vessel sa bangka ng mga mangingisdang Pilipino noong Hunyo 9.
“It redounds to a potential partnership between one party, Philippines who is out to seek the truth, against another party, China, the bully, who is out to suppress it,” saad ni Del Rosario sa isang statement.
Kahapon, iminungkahi ng China na magkaroon ng joint inquiry para makahanap ng tamang solusyon at para makamit ng dalawang bansa ang “mutually-recognized” na mga resulta, na welcome naman para sa gobyerno ng Pilipinas ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo.
Ayon kay Del Rosario, dapat na mas kinakampihan ng gobyerno ng Pilipinas ang mga mangingisdang Pilipino na biktima sa naturang pangyayari.
Hindi rin aniya dapat iniinsulto ang katalinuhan ng publiko pagdating sa usapin na ito sapagkat inaasahan na rin naman daw na sakaling matuloy ang joint probe ay magiging magulo lamang.