-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagsimula na ang Joint Military Exercises ng Australian Army at mga tauhan ng 6th Infantry (Kampilan) Division Philippine Army sa lalawigan ng Maguindanao Del Norte.

Layunin ng pagsasanay ng dalawang hukbo ng sandatahan ng bansang Australia at Pilipinas na mapalakas ang kakakayan ng mga sundalong Pilipino sa paglaban sa mga terorista at mga grupo na banta sa seguridad ng mamamayan.

Ginawa ang Joint Military Exercises Camp Bregadier General Gonzalo H. Siongco ng 6th Infantry Kampilan Division Philippine Army sa Barangay Awang Datu Odin Sinsuat Maguindanao del Norte.

Bisita sa pagbubukas ng pagsasanay sina ni Australian Deputy Prime Minister at Minister of Defense Richard Marles kasama si AFP Chief of Staff General Andres Centino, WestMinCom Commander Lt. Gen. Roy M Galido, at 6th ID Commander Major General Alex Rillera.

Sakop ng Joint Military Exercises ang combat shooting, Close Quarter Battle, at Tactical Combat Casualty Care.

Nagpasalamat naman si General Rillera sa pagpili ng Australian Forces sa 6ID bilang isa sa mga kalahok sa pagsasanay.

Malaking tulong sa mga myembro ng 6th ID ang pagsasanay sa pagpapalakas pa ng kanilang kakayahan.

Nagpapakita ng matatag na defense cooperation sa pagitan ng dalawang bansa na mapalalim pa ang kanilang bilateral relations.