Tiniyak ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na striktong susundin ng mga pulis ang ilalabas na unified operational guidelines ng PNP at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) partikular sa kanilang anti-illegal drug operations.
Ayon kay Eleazar, layon nito para maiwasang maulit pa ang malagim na engkuwentro sa pagitan ng PNP at PDEA nuong February 4 na ikinasawi ng 4 at ikinasugat ng maraming iba pa.
Naniniwala si PNP Chief, ngayong mayruong guidelines na susundin ang PNP at PDEA mas magiging epektibo at episyente ang mga ito para labanan ang pamamayagpag ng illegal drugs sa bansa.
Una nang sinabi ni PDEA Dir/Gen. Wilkins Villanueva na tinatapos na ang unified operational guidelines at kanila na itong mailalabas bago matapos ang buwan ng Hunyo.
Nagbabala si Eleazar sa mga Pulis at PDEA agents na tiyak mapaparusahan ang mga ito sakaling hindi sila sumunod sa operational guidelines.