Target isagawa ang joint patrol operations sa pagitan ng Pilipinas at Amerika sa may West Philippine Sea bago matapos ang taong 2023.
Sinabi ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya na pinaplantsa pa ang ilang gusot sa logistics subalit kumpiyansa ito na mareresolba din ang naturang isyu.
Una ng sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na ang naturang hakbang ay inaasahang titiyak sa kalayaan sa paglalayag sa West Philippine Sea.
Una na ring nag-alok ang China na magsagawa ng joint military exercises kasama ang Pilipinas bagamat pinag-aaralan pa ng mga opisyal ang naturang panukala.
Sa ngayon kasi sabi ni Malaya na kailangan ng Visiting Forces Agreement sa China para ito ay mangyari.
Sa kasalukuyan tanging ang Amerika at Australia pa lamang ang pinapayagan na magpadala ng kanilang mga sundalo dito sa bansa.