-- Advertisements --

army6

Nagtapos na ang tatlong linggong Philippine – US bilateral “Salaknib” Exercises na isinagawa sa Fort Ramon Magsaysay sa Nueva Ecija.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Lt.Col. Ramon Zagala, nasa 400 personnel ang lumahok sa nasabing exercises na binubuo ng 15 training events kabilang dito ang urban operations, intelligence, combat engineers operations, medical planning, Military Police operations, K-9 operations, at chemical, biological, radiological and nuclear (CBRN) defense development.

army5

Layon nito para ma-develop pa ang capabilities ng Philippine Army sa ibat ibang warfighting trainings.

“With the continuation of the Visiting Forces Agreement, both armies expect to continue with the exercise in the coming years,” ayon kay Col. Zagala.

Kapwa naman nagpasalamat sa isat isa ang mga sundalo ng Philippine Army at US Army na naging matagumpay ang joint military exercises sa kabila ng pandemya.

Ngayong balik na ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at America, asahan na ang mga joint military trainings sa pagitan ng dalawang bansa.