Pormal ng nagsimula ang “Kaagapay ng mga Mandirigma ng Dagat” (KAMANDAG 5-21) exercise sa pagitan ng tropa ng Pilipinas, Amerika at Japan.
Ang KAMANDAG ay taunang military exercise kasama ang U.S. Armed Forces sa ilalim ng Mutual Defense Treaty ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon kay Major General Ariel Caculitan, commandant ng Philippine Marine Corps, 242 Filipino marines ang kalahok sa walong araw na war games kasama ang 12 US Marine Corps personnel at 25 Japan Ground Self-Defense Force personnel.
Kabilang sa nakalatag na aktibidad ay ang Humanitarian Aid and Disaster Response (HADR) sa Zambales, Counter-Terrorism sa Corregidor Island, Coastal Defense sa Cagayan at Staff Integration Activity sa Palawan.
Muling lumahok ang Japan sa pagsasanay kung saan ipapamalas nila ang humanitarian assistance at disaster relief capabilities.
Siniguro naman ng militar ang mahigpit na pagsunod sa health protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Nilinaw naman ni Caculitan na ang mga exercise events ay batay sa fictional counter-terrorism, internal security operation, at HADR operation scenarios.