Pormal ng nagsimula ang 10-days joint military exercises sa pagitan ng mga sundalong Pinoy at Amerikano na tinawag na ‘Salaknib’ 2019 na magsisisimula sa March 4 hanggang March 24,2019.
Isang simpleng opening ceremony ang isinagawa nuong Miyerkules na pinangunahan ni Brigadier General Lenard T Agustin AFP, Commander ng 7th Infantry (Kaugnay) Division bilang Guest of Honor and Speaker.
Ang SALAKNIB ay isang army-to-army training exchange sa pagitan ng Philippine Army at United States Army Pacific Command (USARPAC) kung saan naka pokus ito para palawakib pa ang skill competencies ng dalawang armies lalo na para labanan ang terorismo.
Ang SALAKNIB 2019 ay isa sa dalawang military exercises kasama ang mga foreign foreign forces ngayong taon kung saan ito ang unang phase habang ang Balikatan exercises ay ang pangalawang phase na ginagawa taon taon.
Mga tauhan ng 1st Brigade Combat Team (1BCT) ang siyanf kalahok sa nasabing aktibidad.
Bukod sa planning and maneuvers, isa sa highlights sa SALAKNIB 2019 ay ang Humanitarian and Civic Action (HCA) activities.
“Being the administrator of Fort Ramon Magsaysay, it is both a pleasure and an opportunity for the 7ID to welcome the participants of SALAKNIB and BALIKATAN 2019. We hope that the exercises will not only strengthen the Philippine-US alliance but will contribute to the security and stability of our countriesâ€, pahayag ni BGen Agustin.