-- Advertisements --
House Plenary Congress
House of Representatives

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng special session ang kongreso bilang tugon sa paglaban ng gobyerno sa coronavirus disease o COVID19.

Sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, na tinawagan siya ni dating special assistant to the president at Senator Bong Go kung saan nais ng pangulo na magkaroon ng joint session ang kongreso at maipasa ang P1.6 billion na budget bilang emergency funding sa COVID-19 response.

Ang nasabing pondo ay bilang tulong sa mga mahihirap na apektado dahil sa ipinapatupad na enhanced community quarantine.

Nauna rito sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na seryoso ang Pangulo sa paglaban sa COVID-19.