Inilunsad ng Western Mindanao Command(WesMinCom) ang isang Joint Task Force (JTF) para magbantay sa mga karagatang sa timog-kanlurang bahagi ng bansa.
Ito ay tinawag na JTF Poseidon. Bahagi ito ng Campaign Plan ‘Bantay Kalayaan 2023-2028’ ng Armed Forces of the Philippines(AFP) na nakatuon sa pagsasagawa ng mga security at defense operation sa mga teritoryo ng bansa para mapigilan ang mga Illegal, Coercive, Aggressive, and Deceptive(ICAD) activities.
Ayon kay WestMinCom Public Information Office Chief Major Orlando Ayllon, titiyakin ng naturang task force na magpapatuloy ang mga maritime operations sa timog-kanlurang bahagi ng Pilipinas at tutugunan ang posibleng aggression, at protektahan ang territorial integrity.
Ang naturang task force ay binubuo ng Naval Task Force 61 (NTF61), 2nd Marine Brigade (2MBde), 17th Special Forces Company (17SFC) ng Philippine Army, Tactical Operations Squadron-Mapun (TOS Mapun) at Tactical Operations Squadron-Sibutu (TOS Sibutu) ng Philippine Air Force na pawang nakabase sa timog-kanlurang bahagi ng Mindanao.
Magsisilbing pinuno ng grupo ang si Naval Forces Western Mindanao Commander Rear Admiral Francisco Tagamolila Jr..