Target ngayon ng Maharlika Investment Corporation na pasukin ang joint venture sa pagtatayo ng mga telecommunication towers sa mga liblib na lugar sa bansa.
Ayon sa kumpanya plano nilang maging katuwang ang mga banyagang namumuhunan.
Sa isang pahayag, binigyang diin ni MIC President at CEO Rafael Consing na sa ngayon ay nananatiling mahirap para sa mga telco companies na mamuhunan dahil na rin sa pag-aalangang isugal ang mga mga puhunang pera.
Sinabi ng opisyal na kanila itong pupunan upang magtuluy-tuloy na ang pagkakaroon ng mga internet tower saan mang panig ng Pilipinas maging sa mga pinakaliblib na lugar.
Dahil sa joint venture, magiging kliyente ang incumbent telecom companies dito sa Pilipinas.
Sinabi pa ni MIC chief na sa ngayon ay sinisimulan na nila nag pakikipagkasundo sa mga positive investors .