Naghain ng not guilty ang dalawang independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz sa kasong rape na inihain ng bagitong actor na si Sandro Muhlach.
Matapos maharap sa kasong rape by sexual assault, na may kaugnayan sa isang insidente na umano’y nangyari sa isang hotel room noong Hulyo ng nakaraang taon.
Ang mga kasong rape at acts of lasciviousness ay isinampa laban sa kanila sa Pasay Regional Trial Court Branch 114.
Kung saan sila ay nagplea ng not guilty, ayon sa kanilang abogado na si Maggie Abraham-Garduque. Ang arraignment ay naganap matapos tanggihan ng korte ang kanilang motion to quash.
‘We had the option to file a motion for reconsideration but we decided to just fight the case on the merits,’ pahayag ni Abraham-Garduque tungkol sa desisyon ng korte.
Ayon pa sa kanya, dumalo sila sa pagdinig at ipinaabot na handa silang magpatuloy sa arraignment.
Ipinahayag din ng abogado na magsisimula na silang magpakita ng mga ebidensya sa prosecution sa susunod na pagdinig sa Marso 19.
Samantala maalalang tinanggihan ng Pasay Metropolitan Trial Court Branch 46 ang dalawang kaso ng acts of lasciviousness na isinampa ni Muhlach laban kina Nones at Cruz.