-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Naghahanda na ang Holywood para sa kaabang-abang na Oscar Awards 2020 na gaganapin sa Lunes.

Kaya naman, kabi-kabila na rin ang mga prediksyon ng ilang mga critics sa kung sino ang mga uuwing wagi sa gabi ng parangal.

Sa exclusive interview ng Star FM Baguio kay Robert Peaslee, film expert mula sa Texas Tech University, ibinahagi nitong naniniwala siyang big night ang Oscars para sa aktor na si Joaquin Phoenix, na bumida sa pelikulang “Joker”.

Nakatanggap ang pelikulang “Joker” ng 11 nominasyon, kabilang na ang Best Film at Best Actor para naman kay Phoenix.

“I really believe this is Joaquin Phoenix’ category. ‘Joker’ works as a movie mostly because of Joaquin Phoenix’ performance. I just don’t see anyone surpassing him this year.”

Sinabi rin nitong malaki ang tsansa ng “Once Upon A Time in Hollywood” actor na si Brad Pitt, na nominado bilang Best Supporting Actor, na makapag-uwi na ng kanyang kauna-unahang acting Oscar.

“Brad Pitt is just sort of being Brad Pitt. His ‘Brad-Pittness’ is what makes the movie enjoyable as a hangout film. It seems so effortless. There’s a great deal of effort that’s got into it. I do think he will probably take home the statue.”

Ayon rin sa film expert, posible ring umuwing nakangiti sina Renee Zellweger na maaaring magwagi bilang Best Actress at si Laura Dern naman para sa Best Supporting Actress.

Ang pelikulang “Little Women” naman ang nakikita nitong mag-uuwi ng Best Film award.

Gaganapin ang 92nd Academy Awards sa Dolby Theater, Los Angeles, California, sa Lunes ng umaga, oras sa Pilipinas.