-- Advertisements --

Tinambakan nang husto ng Serbia ang Italy, 96-64, sa 2019 Acropolis Tournament sa Athens, Greece bilang bahagi ng paghahanda ng dalawang koponan para sa 2019 FIBA World Cup.

Namayani si Nikola Jokic na tumabo ng 20 points, na dinagdagan ni Bogdan Bogdanovic ng 15 points para sa Serbian squad, na hinarap ang kanilang kagrupo sa Group D ng World Cup sa China.

Pawang nagsalpak naman ng tig-13 markers sina Boban Marjanovic, Marko Guduric, at Nemenja Bjelica.

Sa panig naman ng mga Italians, nagsilbing top scorer si Marco Belinelli na naglista ng 16 points, at umalalay si Alessandro Gentile 11.

Ang dalawang European powerhouse teams ay sasagupain din ang Gilas Pilipinas kung saan magtatagpo ang Pinoy cagers at Italy sa Agosto 31, habang ang Serbia naman ay sa Setyembre 2.

Dinomina nang husto ng Serbians ang laro kung saan nagpaulan sila ng 13 three-pointers kontra sa Italians.