-- Advertisements --

Bumiyahe na umano si Denver Nuggets star Nikola Jokic patungong Orlando, Florida para humabol sa kanyang team na naghahanda na para sa pagbabalik ng 2019-20 season.

Ayon sa mga impormante, inaasahang darating si Jokic sa NBA “bubble” sa Walt Disney World campus sa mga susunod na araw.

Magugunitang sumailalim si Jokic sa quarantine sa Serbia, ngunit nagnegatibo na ito sa COVID-19 matapos lumabas na kinapitan ito noong nakalipas na buwan.

Bunsod nito, naudlot ang nakatakda sana nitong biyahe patungong Estados Unidos para sana makasama ang Nuggets, na nasa Florida na nitong Huwebes (Manila time).

Sinasabing ang pagdating ni Jokic ay magiging malaking boost para sa Nuggets, na nasa ikatong puwesto sa Western Conference sunod sa dalawang koponan mula sa Los Angeles.