-- Advertisements --
Nag-landfall na ang bagyong Jolina sa Eastern Samar.
Ayon sa Pagasa, nag-landfall ito sa bisinidad ng Hernani, Eastern Samar.
Kasabay din nang pag-land fall ay itinaas sa signal number 3 ang mga bahagi ng Eastern Samar at Samar provinces.
Huling nakita ang sentro ng bagyo sa layong 30 kilometers east-northeast ng Guian, Eastern Samar na may dalang hangin na 95 kilometers per hour at pagbugso na umaabot sa 115 kph.
Sinabi ng Pagasa na makakaranas ng malakas na pag-ulan ang Northern Samar, Eastern Samar, Samar at Sorsogon.
Ganon din sa ilang mga bahagi ng Visayas at Bicol region.