-- Advertisements --

Alita Bb 2016
Bb. Ph 2016 1st runner-up, Angelica Alita

Muling naging maingay sa internet ang panibagong love life ni Jolo Revilla sa piling ng 2016 Binibining Pilipinas runner-up na si Angelica Alita.

Ito’y matapos lumabas sa report ng pep na nakatakadang ikasal ang dalawa sa darating na Disyembre sa Pelican Hill, Newport Beach sa California.

Sinasabing nagbakasyon sa Amerika noong nakaraang buwan sina Jolo at Angelica upang asikasuhin ang pag-iisang dibdib.

Nitong Abril nang unang lumikha ng ispekulasyon na engaged na ang 31-year-old actor/politician dahil sa suot na singsing ni Alita.

Ito’y mahigit isang taon mula nang isapubliko ni Revilla kasabay ng “love month” ang relasyon nila ni Alita na sinasabing isa ring pastry chef.

Hindi naman malinaw kung kailan eksakto nagsimula ang love story ng future husband and wife.

Angelica Alita with Maxene
Alita with Medina

Ka-batch ng ngayo’y 23-year-old beauty queen/chef sina Maxine Medina (Bb. Phl-Universe) at Kylie Verzosa (Bb. Phl-International).

Bago kay Alita, galing si Revilla sa walong taon na on-off relationship sa aktres na si Jodi Sta. Maria.

Habang ang beauty queen naman ay ex-girlfriend ng anak ni Sen. Grace Poe na si Brian.