Iniutos ngayon ng alkalde ng bayan ng Jolo sa lalawigan ng Sulu ang pagsasailalim sa kanilang lugar sa total lockdown.
Ang hakbang ni Mayor Kerkhar Tan ay matapos ang magkasunod na madugong pambobomba sa downtown area na ikinamatay ng 13 katao kasama na ang suicide bomber.
Liban nito, halos 80 na ang mga sugatan kung saan 18 sa mga ito ay mga sundalo.
Batay sa direktiba ng mayor, pansamantala munang isasara sa mga residente ang mga entry at exits points o walang papayagang makalabas at makakapasok sa kanilang bayan.
Ito ay liban lamang kung may mga sapat na dahilan o special cases.
Binigyang diin pa ni Mayor Tan, hindi nila aalisin ang total lockdown hangga’t hindi matatapos ang imbestigasyon.
“Cancellation of entry and exit to and from Jolo shall be strictly enforced except on some special cases. Lockdown will be lifted until the investigation is finished,” ani Mayor Tan sa kanyang advisory.