Interesadong makaharap ni Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito mismo ang kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III, subalit hindi ito gaganapin sa bansa.
Dagdag pa ng kalihim na maaaring ganapin ito sa ibang bansa.
Tiniyak naman ni Sison na kapag ginanap ito sa labas ng bansa ay gagarantisaduhin nito ang political at legal protection ng Refugee Convention and the European Convention on Human Rights.
HIndi rin aniya ito basta-basta magtungo sa Pilipinas ng walang kasiguraduhan.
Marami aniyang mga bagay na dapat ayusin para sa pagpapatuloy ng peac negotation bago ang planong pagkikita nina Sison at Duterte.
Magugunitang inatasan ni Pangulong Duterte si Bello para kausapin si Sison sa muling pagbuhay ng peace negotiation.