Kinasuhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si CPP founding Chair Jose Maria Sison at 3 opisyal ng Communist Terrorist Group sa Department of Justice sa kasong sexual na pang-aabuso.
Base ito sa reklamo ng dating amasonang si Lady Desiree Miranda alyas “Ka Shane” ng sexual na pang-aabusong ginawa sa kanya ng kanyang mga pinuno noong siya ay kasapi ng terroristang grupo.
Si Sison, at ang recruiter ni ka Shane na si Redsa Balatan ay kinasuhan ng paglabag sa RA 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 at RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Habang ang mga dating commander ni ka Shane na sina Rey Dela Pena alyas Reynaldo Santos at Joel Caliwliw, na kapwa naka-kulong, ay kinasuhan ng multiple counts ng Rape.
Sa salaysay ni Ka Shane, siya ay ni-recruit bilang miyembro ng Anakbayan sa edad na 14, hanggang sa naging miyembro na siya ng NPA Sa edad na 18.
Habang kasapi siya ng NPA, ilang ulit umano siyang ginahasa ni DelaPeña at Caliwliw, at minolestya pa ng kanyang Vice commander mula 2016 hanggang 2018.
Nang magreklamo siya sa mga nakatataas na pinuno, siya ay inakusahan pa ng pagiging “sex addict” at nasiraan ng bait, kaya nagdesisyon na siyang tumiwalag sa terroristang grupo at humingi ng tulong sa pamahalaan.