-- Advertisements --

Mas kailangan pa raw ni Pangulong Rodrigo Duterte ng peace talks kaysa sa National Democratic Front.

Sinabi ni NDF chief political consultant Jose Maria Sison, na “mentally, politically at morally deranged ang Pangulo” kaya nararapat na para sa kaniya ang peace talks.

Dagdag pa nito, dahil sa kaniyang pamumuno ay lumalala umano ang kurapsyon at patayan sa buong bansa.

Reaksyon ito ni Sison sa naging pahayag ni Pangulong Duterte na hindi na sila interesado sa pagkakaroon ng peace talks.

Buwelta naman ng ilang top security adviser ng Palasyo, hindi maaaring pagtiwalaan ang NPA dahil ang dulo naman ng layunin nito ay palitan ang gobyerno.